SHAKEYS SUPER LEAGUE IN AKSYON “GULAT KAYO NOH”
GULAT KAYO NOH! NAGULANTANG na lamang ang mga manlalaro ng University of Perpetual Help System Dalta sa biglaang pag atake ni University of the East Riza Nogales na ilan lamang sa naging daan upang makamit ng Lady Warriors ang kanilang tagumpay sa panalo. (REY NILLAMA)
BINIGO ang University of Perpetual Help System Dalta, sa pamamagitan ng 3 sets straight 25-17, 25-20, 25-15, para manatiling walang talo sa 2024 Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship sa Rizal Memorial Coliseum ng University of the East Lady Warriors.
Si Casiey Dongallo ay umiskor ng 11 puntos, kabilang ang pito sa ikatlong set nang masiguro ng Lady Warriors ang kanilang ikalawang panalo sa Pool B. Si Riza Nograles ay gumawa ng limang bloke para matapos na may walong puntos habang sina Kayce Balingit, Beatrice Ann Zamudio, at Yesha Keith Rojo ay umiskor ng limang puntos bawat isa. “Before the start of the game, (assistant coach) Doc Obet (Vital) huwag maging kampante kung sino man ang kalaban.
Kailangan talaga naming laruin ang pinaghandaan namin,” ani Dongallo, na umiskor ng apat na puntos sa unang set. Si Cyrille Joie Alemaniana ang nanguna sa Altas na may 11 puntos sa 10 atake at isang bloke. Si Shalia Allaine Omipon ay umiskor ng pitong atake habang si Winnie Bedana, Jemalyn Menor, at Camille Bustamante ay parehong nagdagdag ng tig-tatlong puntos.
Kaugnay nito muling nadagdagan ang panalo ng UE makaraang mapagtagumpayan nila ang pakikipag tagisan sa kuponan ng Mapua University. Sa pamamagitan ng 3 sets straight score na 25 – 14, 25-20, 25 -20.