NAKAKALUNGKOT na balita ang tungkol sa isa nating kababayan ang nahatulan ng kamatayan sa Saudi Arabia kamakailan.
Batay sa ulat ng Department of Foreign Affairs, bunsod ito sa kasong kinaharap ng ating kababayan na umano’y pagpatay sa isang Saudi national.
Sinasabing mabigat ang ebidensiya laban sa ating kababayan kaya kamatayan ang naging hatol.
Paliwanag ng kagawaran, lahat naman ng makakaya ay ginawa ng pamahalaan sa hangaring maipagtanggol ang ating kababayan.
Nakakabahala na hindi lamang sa Saudi Arabia may mga kababayan tayong nasa death row kundi maging sa iba pang bansa.
Kumikilos at umaalalay dito ang DFA kabilang ang pagbibigay ng free legal services.
Nawa’y madepensahan at maipagtanggol ang mga kababayan natin na mayroong kaakibat na kaso sa abroad.