Sa huling araw ng filing ng Certificate of Candidacy (COC) nagsumite sina Beng Remulla, anak ni Justice Secretay Crispin Remulla; at Ram Revila , bunsong anak ni Senator Bong Revilla, bilang Governor at Vice Governor ng Cavite bandang alas- 10:15 ng umaga sa Comelec Provincial Office sa Trece Martires City, ng naturang lalawigan.
Sinamahan ang dalawa nina Senator Bong Revilla, Lannie Mercado at Jolo Revilla.
Ang dalawa ang nagsumite ng kanilang COC makaraang itinalaga si Governor Jonvic Remulla bilang Secretary of Interior and Local Government (DILG) dalawang araw bago ang last filling.
Nag-withdraw din sa kanyang kandidatura si Vice Governor Athena Tolentino.
Naunang nagsumite ng kanyang COC si Ping Remulla bilang Representative ng ikapitong Distrito (Trece Martirez City, Indang, Amadeo at Tanza). GENE ADSUARA