Pagbati kay Cavite Governor Tolentino  

PAGBATI sa bagong governor ng Cavite na si Athena Bryana Delgado Tolentino.

Si dating Cavite Governor Jonvic Remulla ay naitalaga ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. bilang kalihim ng Department of the Interior and Local Government.

Dahil dito ay si Tolentino ang kauna-unahang babae na Cavite governor.

Noong 2022 elections ay nagwagi si Tolentino bilang vice governor ng lalawigan.

Sa pagkakapanalong iyon ay si Tolentino rin ang kauna-unahang babae na naging vice governor ng Cavite.

Bago tumakbo at nanalong vice governor ay nanungkulan si Tolentino noong 2019 hanggang 2022 bilang konsehal ng Tagaytay City.

Kaya naman masasabing sapat ang kaalaman at kakayahan ni Governor Tolentino para pangasiwaan ang buong lalawigan.

Inaasahan na maipagpapatuloy niya ang mga programa at proyektong nasimulan ng dating gobernadora.

Pwede ring mas higit pa roon o maaaring may mas magaganda at kapaki-pakinabang pang programa ang bagong governor.

Tulad sa mga Remulla ay nananalantay sa dugo ng mga Tolentino ang pagsisilbi sa taumbayan.

Bata pa si Governor Tolentino, sa edad na 26 ay napakalayo pa ang mararating at marami pang mapapagserbisyuhan.

Mabuhay po kayo Governor Tolentino at siyempre ang pagbati rin kay Secretary Jonvic Remulla sa kanyang panibagong pakikibaka na batid naman nating makakaya ni dating Gov. Pogi!