PINAY OFW CASTILYN CASTILLON CABALQUINTO MARATHONER
Bunsog ng mga dinanas na maraming karanasan sa buhay napilitan mangibang bansa si Castilyn Castillon Cabalquinto upang maabot ang mumunting pangarap para sa sarili maging sa pamilya na rin.
Mahirap pero kilangan kayanin ang ano mang hirap sa buhay. Kilangan ang tibay, lakas ng loob at sakripisyo para sa hinahangad na tagumpay para sa pamilya.
Hindi biro ang mangibang bansa, kung sa unang pagkakataon ay hindi nagagawa ni Castilyn ang kanyang pang araw-araw na gawain sa Pilipinas. Bilang runners o mananakbo sa mga ginaganap na running event. Tulad ng Milo Marathon na minsan siyang nag 4th place, Manila Marathon 3rd place maging sa Philippine Marathon ay pasok siya sa Top 10.
Hindi nagtagal ay kanya ng nagawan ng paraan kung paano makilahok sa mga ginaganap na patakbo kung saan siya nag tatrabaho. Sa bansang Abu Dhabi na kanyang dinanas na trabaho bilang private driver taon 2008 hanggang 2010,
2011 – 2012 restaurant lady driver delivery, 2012 hanggang 2016 sales agent driver, balik ulit 2016 – 2018 lady taxi driver, at itong huli ay 2018 hanggang kasalukuyan ay company driver SPA company naman.
Sinikap niyang makilahok sa mga iba’t ibang patakbo bagamat hindi nanalo ay okey lamang mahalaga ay maka tapos sa finish line. Dahil sa habang nasa lugar na yun ay samantalahin ang pakikilahok at higit na rin na maging bahagi sa ikabubuti ng kalusugan natin. Sabi nga ni Castilyn ” purpose ko sa takbo dito sa paglahok marathon ay for heath kasi kahit dika makapag uwi ng trophy at pera makatapos ka lang ng 42km panalo kana”
Ibinida pa Castilyn na malalakas talaga ang sumasaling mananakbo sa abu dhabi lalo na ang mga foreigner. Pero tuloy ko lang makipagsabayan sa kanila hayaan lang mauna sila sa finish line. “Basta ako tatakbo lang” Bahagi ng nilahukan na tinakbo ni Castilyn ay ang ADNOC Abu Dhabi Marathon 42.195 km.
Nagagawan naman ng pagkakataon na makapag practice ginagamit nga lang yung ika nga ay time management upang makapag practice bago sumalang sa ano mang kumpetisyon na lalahukan.