TINATAYANG mahigit P27K ang natangay sa niloobang law office sa Tagaytay City, Cavite.
Ang nilooban ng hindi pa nakikilalang mga suspek ay ang Sumagui Law Office and APC Lending Company sa Brgy Mendez Crossing East, Tagaytay City.
Pumasok si Atty. Henry Tuazon sa kanilang tanggapan bandang alas-7:00 ng umaga subalit bumungad sa kanya ang nagkalat sa cabinet at drawers kaya agad niyang tinawagan ang isang Marites Carlos na siyang humingi ng assistance sa pulisya.
Sa imbestigasyon, tinatayang P27,155.00 na cash fund ng opisina, cellphone na Realme C67 ang natangay ng mga suspek.
Hindi naman tinukoy sa report kung paano nakapasok ang mga suspek.
Patuloy ang backtracking ng pulisya sa Closed Circuit Television (CCTV) para sa pagkakakilanlan ng mga suspek. GENE ADSUARA