MPD, HANDA NA SA ‘UNDAS’  

NAKAHANDA na ang puwersa ng Manila Police District para sa gagawing paggunita sa Araw ng mga Patay.

Layunin ng MPD na makatiyak sa seguridad at kaligtasan ng publiko sa Undas kaya nakalatag na umano ang kanilang tactical and strategic plan.

Libu-libong pulis umano ang ipapakakalat sa iba’t ibang lansangan o lugar.

Partikular na nakasentro ang kapulisan sa mga sementeryo at terminal ng mga bus.

Kasado rin ang paglalatag ng mga checkpoints.

Kinokonsidera ang pinakamalaking sementeryo na Manila North Cemetery na tututukan gayundin ang  Manila South Cemetery.

Nabatid na milyong katao ang nagpupunta sa mga nasabing sementeryo sa panahon ng Undas na umano’y nanggagaling sa Kalakhang Maynila at karatig probinsiya. RUBEN LACSA