GUMAPANG sa exhaust fan ng tindahan ang lalaking nanlimas ng halos P1 million cash na kita ng grocery store sa Gen Trias City, Cavite.
Inaalam ang pagkakakilanlan ng solong suspek na pumasok sa JMY Shop and Save Grocery Store sa Brgy Manggahan, Gen Trias City.
Sa salaysay ni Robaisa Apang, 28, branch manager ng grocery, bandang alas-7:30 ng umaga pagpasok nito ay dumiretso sa admin office at nakita na nakakalat sa sahig ang cash boxes ng tindahan.
Pumasok ito sa kanilang main office at nakitang bukas ang cash drawers dahilan upang ipagbigay alam sa may-ari.
Base sa pinanood na footage sa Closed Circuit Television (CCTV) ng tindahan, nakitang pumasok ang suspek sa exhaust fan ng tindahan.
Pagkapasok ay ay nag-ikut-ikot muna sa loob ng tindahan hanggang sa dumiretso sa admin office at tinangay ang tinatayang P800,000.00 cash na kita.
Lumabas ito bandang ala-1:30 ng madaling araw sa exhaust fan kung saan siya unang pumasok.
Nagsagawa ng backtracking ang pulisya sa CCTV sa ibang lugar para sa pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa suspek GENE ADSUARA