PRESIDENTE NG JEEPNEY ASSOCIATION, TINANGKANG LIKIDAHIN NG MIYEMBRO   

ISANG jeepney driver ang itinuturong bumaril sa presidente ng assosasyon ng mga jeepney drivers sa Dasmarinas City, Cavite. 

Kinilala ang pinaghahanap na suspek na si alyas Randy, may-asawa, ng Block 27 Lot 1, Bgry St., Peter 2, Dasmarinas City.

Masuwerte namang hindi tinamaan ang biktima na si Tarcito Mantele, 64, presidente ng PACIJODA, at residente ng Phase 4, Paliparan Site, Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City.

Sa ulat, nakaupo ang biktima sa loob ng Paliparan Jeepney Terminal sa Brgy Paliparan 3, Dasmarins City bandang alas-11:30 ng umaga.

Nilapitan siya ng suspek na armado ng hindi nabatid na kalibre ng baril at itinutok saka ipinutok.

Gayunman, nasalag ng biktima ang kamay ng suspek kaya hindi siya tinamaan. 

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek. 

Naniniwala ang bktima na ang tangkang pagpatay sa kanya ay dahil sa galit ng suspek makaraang tanggalin siya sa kanyang posisyon sa asosasyon. GENE ADSUARA