ISANG Person Deprived of Liberty (PDL) ang tumakas umano sa Cavite Provincial Jail sa Trece Martires City Linggo ng madaling araw.
Kinilala ang tumakas na PDL na si alyas Jayson na may kinakaharap na kaso na paglabag sa Sec 5 at 11 ng Article 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Carnapping case sa Laguna.
Ayon kay PG II Unica Nica C Diaz, team supervisor, bandang ala-1:44 Linggo ng madaling araw tumakas ang PDL sa pamagitan ng pagtalon mula sa isolation tower ng Cavite Provincial Jail sa Brgy Lpidario, Trece Martires City.
Patungo ito sa escortng area saka umakyat sa perimeter fence ng jail facility at tumakbo papatakas sa hindi nabatid na direksyon.
Sinusulat ito ay patuloy ang manhunt operation laban sa nasabing PDL. GENE ADSUARA