2 kasapi ng NPA, huli  

HULI ng mga awtoridad ang dalawang kasapi ng New People’s Army na umano’y kapwa wanted sa Northern Samar kamakailan.

Nitong Lunes ay naaresto ang 29-anyos na magsasaka na sinasabing regular na kasapi ng sa Lapinig, Northern Samar.

Siya ay natiklo sa Barangay Libertad sa bayan ng Gamay at umano’y wanted kaugnay ng kasong frustrated murder.

Una rito, Linggo ay nasukol ng pulisya ang 50-anyos na miyembro ng NPA na isa ring magsasaka sa  Barangay Cababto-an, sa bayan ng Pambujan town

Wanted naman siya sa batas dahil sa mga kasong multiple murder, frustrated murder atnd attempted murder.

Batay sa ulat, sa pagkakaaresto sa 29-anyos na NPA member nitong Lunes ay isang 20-anyos naman mula sa Bayan ng Pambujan ang kusang sumuko sa kapulisan.

Nabatid na ang pagkakahuli sa mga naturang kasapi ng NPA ay bunsod ng operasyong isinagawa ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company, Police Provincial Intelligence Unit, 801st Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion at ng mga local na istasyon ng pulisya. RUBEN LACSA