PINALILIWANAG ni MPBA Magilas Pilipinas Basketball Association founder coach Fernando Arimado kabilang larawan sina Tech Head, Allan Maronilla Capt. Ball Jons Madriaga, Coach Rica Francisco ang mga magiging kalahok na koponan para sa pagsisimula ng torneo makaraang bumisita sa lingguhang Tabloids Organization in Philippine Sports TOPS sa PSC conference room Rizal Memorial Sports Complex. Kung saan nakatakdang lumahok ang walong koponan. (REY NILLAMA)
Aksyon na at palakasin pa ang women’s basketball development program ang target ng Magilas Pilipinas Basketball Association (MPBA) Women’s Championship na sinimulan sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Ibinida ni MPBA founder coach Fernando ‘Kotz’ Arimado ang pagsabak ng walong koponan para sa natatanging liga para sa kababaihan na naglalayon na palawigin ang pagtuklas ng talent ng mga atletang Pilipina sa larangan ng basketball.
“Marami na ring liga para sa kababaihan, pero napakaraming talento na kailangang nating mabigyan ng pagkakataon na maipakita at madevelop,” pahayag ni Arimado sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ sa Philippine Sports Commission (PSC) Conference Room sa Malate, Manila.
“Mula rito, hopefully, matulungan natin ang National Association para makatuklas ng bagong talent na puwedeng maisama sa future Philippine Team,” aniya
kabilang sa mga sasabak sa liga ang Eastside, Sunday Rim Hoopers, Amarix Baller, Shape & Shades, Elijah, Cyubico, Calamba Hoopers at Philippine Christian University (PCU) Lady Dolphins.
Iginiit ni coach Arimado na bukas pa ang pagpapatala para sa mga nagnanais lumahok sa torneo at magkaroon ng karagdagang karanasan para sa kompetitibong basketball.
“Ang atin pong mga opisyal ay mga beteranong referee na naging bahagi na rin ng malalaking liga, kaya makakaasa po tayo ng maayos at sistimatikong programa,” pahayag ni Arimado sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.
Kasama ni Arimado na dumalo sa programa ang league technical committee head na si coach Allan Maronilla, coach Rica Francisco at coach Jons Madriaga.
“Mataas na po ang narating ng women’s basketball. Unlike before noong panahon na naglalaro ako, ngayon full coverage na ang mga laro at may coming professional league na rin. Hopefully, itong liga ay makatulong sa ating mga kakakaibang players para ma mag-aspire sila na maging professional in the future,” pahayag ni Francisco.