HINIHINALANG miyembro ng akyat-bahay ang tumangay ng mga alahas at gadget sa isang bahay sa Naic, Cavite.
Inginusong suspek ang isang alyas Sean, ng Brgy Salcedo 2, Noveleta.
Sa sumbong ng biktima na si Rosario Lumbo sa Naic Municipal Police Station, pinasok ng suspek ang kanyang bahay bandang alas-12:30 ng hatinggabi sa pamagitan ng pagsira sa kanilang bintana na gawa sa jalousie saka ipinasok ang kanyang kamay hanggang sa naabot ang door knob at nabuksan ang pintuan.
Kasunod ay tinangay nito ang iba’t ibang klase ng alahas at cash na nagkakahalaga ng P10,000.00.
Umaga na natuklasan ng biktima ang insidente na agad ipinagbigay alam sa kanilang barangay na siyang nag-report sa pulisya. (Gene Adsuara)