Patung-patong na kaso sa rider  

PATUNG-PATONG na kaso ang kinaharap ng motorcycle rider na tumangging magpa-inspection sa inilatag na Oplan Sita dahil  nabuking ang itinatagong  droga sa Gen Trias City, Cavite.

Nasa kustodiya ng Gen Trias Compnent City Police Station ang suspek na si alyas Jay-R na naharap sa kasong paglabag sa driving without helmet, driving without license, driving in slippers or sleeveless at driving a motorcycle not carrying OR/CR.

Sa ulat, bandang alas-3:30 ng hapon ay nagsagawa ng Oplan Sita ang mga operatiba ng Pasong Camachile Compact sa Sitio Sampalucan, Brgy Pasong Camachile 2 Gen Trias City.

Pinara ang motorsiklo na Suzuki J na may plakang XT 4205 na minamaneho ng suspek.

Subalit imbes na tumigil ay pinaharurot ang motorsiklo kaya hinabol ng mga awtoridad kung saan napansin na may itim na pouch na itinapon sa basurahan.

Pagsukol sa suspek ay kinuha nila ang itinapon na pouch na naglalaman ng hinihinalang shabu. (Gene Adsuara)