Pasig City over all champion sa Batang Pinoy National Championships 2024

BATANG PINOY NATIONAL CHAMPIONSHIPS 2024 OVER ALL CHAMPION PASIG TEAM

 

NAGTALA ng pinakamahusay na Atleta ang swimmer na si Arvin Naeem Taguinota II makaraang kinopo ng Pasig City ang overall champion sa katatapos ng 16th Batang Pinoy National Championships sa Ramon V. Mitra Jr. Sports Complex.

Napasakamay ng Pasig City tanker ang kanyang ikaanim na gold medal sa boys’ 12-13-year-old 4×50-meter medley relay kasama sina Charles Ezekiel Canlas, Jefferson Saburlase at Marcelino Picardal III sa bilis na 2:03.69.

Ang iba pang events na pinagwagian ng Grade 8 student ng British International School sa Phuket, Thailand ay ang 4×50 LC meter, freestyle team relay (1:47.44 1), 200m backstroke (2:19.88), 200m individual medley (2:22.02), 100m freestyle (57.92) at 100m backstroke (1:04.30).

Muli namang nagtala ng bagong Batang Pinoy record si Albert Jose Amaro II ng Naga City sa kanyang itinalang 1:57.04 sa boys’ 16-17 200m freestyle.

Binura niya ang 1:59.94 ni Paolo Miguel Labanon ng Davao City noong 2023 edition. Lumangoy din ng bagong BP mark sina Arabella Nadeen Taguinota ng Pasig City sa girls’ 16-17 50m breaststroke (34.67) at Jaime Ulandorr Maniago ng Quezon City sa boys’ 16-17 50m breaststroke (30.50).

Samantala, inangkin ng Pasig City ang overall championship matapos humakot ng 83 gold, 49 silver at 88 bronze medals.

Pumangalawa ang four-time champions Baguio City na may 63 ginto, 53 pilak at 58 tansong medalya kasunod ang Quezon City (45-43-45), Davao City (35-35-28) at Cebu City (28-32-27) sa sports meet na nilahukan ng kabuuang 177 Local Government Units (LGUs).

Ang overall champion ay tatanggap ng P5 milyon mula sa Philippine Sports Commission (PSC), habang may P4 milyon, P3 milyon, P2 milyon at P1 milyon ang magtatapos sa second, third, fourth at fifth place ayon sa pagkakasunod.

Sa weightlifting, bumuhat ang Zamboanga City ng 12 golds, habang may lima ang Rizal team ni Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz.

Sa wrestling, nagpatumba ang Surigao del Sur ng walong ginto at may anim at lima ang Leyte at Mandaluyong, ayon sa pagkakasunod.

Sa kurash, sumikwat naman ng Pasig City ang pitong golds, habang may lima ang Baguio City.

Kaugnay nito sa athletics, muling naipqnalo ni Palarong Pambansa gold medalist Franklin Catera ng lalawigan ng Iloilo ang kanyang pagkamaharlika sa boys under 18 high jump, na nagtala ng bagong meet record na 1.98 meters.

Binura ng 16 anyos na si Catera ang dating marka na 1.97 metro na itinakda niya sa 2023 Manila edition ng meet na ginanap sa PhilSports track oval sa Pasig City.

Muling inilaan ng Grade 10 student ng Tigbauan National High School ang kanyang pinakahuling panalo sa kanyang yumaong elder brother at main supporter na si Michael John, na pumanaw noong nakaraang taon.

Ang pinakahuling tagumpay ni Catera ay mas maganda rin ang .20 meters kaysa sa kanyang golden jump sa Palarong Pambansa sa Cebu City noong nakaraang Hulyo.

Nakuha ni Masbate’s Alessandra Nicole ang iba pang gintong medalya sa girls’ under 18 triple jump sa paglukso ng 11.20 metro, na nakatali sa lumang marka na itinakda ni Desiree Ann Alaba sa parehong kompetisyon noong nakaraang taon sa Maynila.