Sundin ang ‘4S strategy’  

ENERO 1 hanggang Nobyembre 16 ng kasalukuyang taon ay nasa 340,860 ang kaso ng dengue sa ating bansa.

Batay ito sa pagtatala ng Department of Health na ayon sa kagawaran ay mataas ito ng 80 porsiyento kung ikukumpara ng nakaraang taon.

Sa katulad na mga buwan o same period noong 2023 ay mayroon lamang 188,574 dengue cases na naitala.

Pero kung ikukumpara ang bilang ng mga namatay dulot ng dengue ay nasa 0.26 percent ngayong taon na mababa sa 0.34 percent last year.

Nakakatulong ang pagiging maagap ng mga nakakaranas ng sintomas ng sakit na ito dahil kaagad na nagpapatingin sa mga manggagamot.

Ang pag-uulan ay hindi natin masasabi kaya kailangang sundin ang ‘4S strategy’ na isinusulong ng kagawaran hinggil sa paglaban sa dengue na maiwasang kumalat sa ating mga lugar.