PATAY ang 9-anyos na batang lalaki makaraang lamunin ng apoy ang kanilang bahay habang natutulog sa General Mariano Alvarez, Cavite.
Kinilala ang biktima na si alyas Orlem, ng Lot 1 Block2 Brgy J. Lumbreras, GMA.
Sa ulat ni FO2 Rashid Somalinog, ng GMA Bureau of Fire Protection, bandang alas-3:45 ng madaling araw ay nagsimula ang sunog sa bahay na pagmamay-ari nina lucas Esorio at Rosalinda Malickdim sa Lot 1 Blk 2 Brgy. J Lumbreras, GMA.
Nabatid na natutulog umano ang biktima at kapatid nito na 18-anyos ng sumiklab ang sunog sa hindi pa nabatid na dahilan kung saan mabilis umanong nakalabas ang huli.
Ayon kay Somalinog, ang magkapatid lamang ang natutulog sa bahay at wala umano ang kanilang lolo ng naganap ang insidente na siyang tumatayong magulang ng dalawa.
Bandang alas-4:07 ng madaling araw idineklarang fire-out at tinatayang P50,000.00 ang halaga ng pinsala.
Inaalam kung ano ang pinagmulan ng sunog. (Gene Adsuara)