TULUYAN ng abandonado ang mga istraktura na unang ipinatayo bilang POGO Hub sa Island Cove sa Kawit, Cavite matapos itong tuluyang ipadlock.
Siniguro naman nina Secretary of Interior and Local Government (SILG) Jonvic Remulla, at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman Alejanro Tengco na naipatupad ang kautusan ng Pangulong Ferdinand Marocs Jr na maipasara lahat ng mga POGO Hub sa Pilipinas kabilang ang POGO Island Cove sa Kawit.
Napaalis na rin ang lahat ng mga dating empleyado at mga umuokupa sa loob ng POGO Hub gayundin ang mga kagamitan sa lahat ng opisina nito at tanging ang ilang construction workers na nagbabaklas ng ibang kagamitan na niwan at mga security guards na nagbabantay sa kanilang ginagawang pagbaklas sa loob ng nasabing POGO hub.
Ayon kay Remulla, personal nila itong binisita upang masiguro at maipakita sa publiko na sinunod ang kautusan ng Pangulo na ipasara ang lahat ng POGO sa Pilipinas.
Bukod kina Remulla at Tengco, naging saksi rin sa pagpapasara ng POGO Hub sina Regional Director PB Gen Paul Kenneth T Lucas, Cavite Provincial Director Police Col Dwight Alegre at iba pang opisyales.
Sinusulat ito ay wala pang plano kung ano ang gagawin sa inabandonang gusali pero ayon kay General Manager Ron Lim ng First Orient Corporation ay nasa may-ari na umano ang desisyon. (Gene Adsuara)