TRILYONG piso ang umaaktibong pambansang budget sa susunod na taon.
Sinusulat ito ay nakatakda ang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa P6.352-T 2025 national budget.
Sa kasaluyan o ngayong taon ay P5.768-T ang pambansang budget kaya mas mataas o nasa 10.1 porsiyento kung ikukumpara para sa 2025.
Napakaraming pasanin ng ating bansa na sadya namang kinakailangang gugulan.
Lahat ay may pagkakagastahan gayunman ay nararapat na mayroong mga natatangi o ang tinatawag na dapat mga nangunguna sa talaan.
Ibig sabihin ay ang pagkakaloob ng karapat-dapat at makatawriang sapat na budget para sa mga ito.
Masusing pag-aaral kung tama ba o mali ang pagtapyas o pagdagdag ng budget sa bawat ahensiya.