Pampublikong paaralan, nilooban  

TINANGAY ng hindi nakilalang kawatan ang cash at laptop sa loob ng pampublikong paaralan sa Cavite City.

Pinagahahanap ng mga awtoridd ang suspek na kinilalang si alyas Andrew, ng Brgy 7 (Kapitang Kong) 870 Malvar St., Cavite City na siyang umano’y responsable sa pagnanakaw. 

Sa salaysay  ni Jomar Bartolome, 39, binata, cook sa Dalahican Elementary School sa Brgy 2, Dalahican, Cavite City, bandang alas-5:30 ng umaga ay pumasok siya at  napansin na bukas ang pintuan ng school canteen. 

Tiningnan nito ang cash container at nawawala ang pera na nagkakahalaga ng P1,500  na pambili ng mga lulutuin sa canteen. 

Tiningnan na rin nito ang iba pang tanggapan kung saan bukas din ang Guidance Office at nawawala rin ang inisyung laptop  para kay Jeanne Esguerra, 50, teacher sa nasabing paaralan.

Maging ang Principal Office ay hini rin nakaligtas bagama’t tanging kinainan na noodles lamang ang nakita at ang iba pang mga tanggapan ay pawang mga bukas din  na nagkalat na gamit lamang ang nadatnan. (Gene Adsuara)