MAGAGAMIT ang marijuana bilang gamot sa sandaling maaprubahan ang nakahaing panukalang batas hinggil dito.
Kung magiging ganap na batas ang House Bill 7817 ay mapapahintulutan na ang marijuana bilang gamot.
Magagamit ang marijuana sa mga piling karamdaman o sakit at tanging mga manggagamot lamang na nakarehistro sa Department of Health ang may karapatang magbigay ng sertipikasyon sa pasyenteng maaaring gumamit nito.
Mabigat ang naghihintay na kaparusahan sa aabuso nito o lalabag kahit maging ang rehistradong doktor.
Ang paggamit ng marijuana bilang alternatibong medisina ay matagal na panahon na ring nagagamit at napapakinabangan sa ibang mga bansa.
Kung minsan ay ‘damo’ ang bansag sa marijuana ng mga gumagamit nito pero bilang bisyo.
Kung sadyang mayroong sapat na pag-aaral na nagsasabi at nagpapatunay na epektibo ang marijuana bilang gamot partikular sa mga malalalang karamdaman ay sabi nga sa kasabihan, aanhin pa ang ‘damo’ kung patay na ang kabayo.