KAPAG mayroong problemang ligal na kinakaharap ay natural sa mga pinagpipitagang abogado ang takbo.
Sana nga lamang ay doon sa abogado na totoo ang maibibigay na kasagutan sa legal problem na idinudulog.
Ibig sabihin dito ay maidala sa katotohanan at hind isa baluktot na katugunan.
Pero minsan nga ay may judge na mismo ang kausap subalit mistulang lihis sa totoo.
Kung suliranin naman sa kalusugan ay siyempre sa manggagamot o doktor ang punta.
Tulad sa abogado na dapat ay totoo ay ganoon din dapat sa manggagamot na payak at tumpak na sagot ang matatamo.
May kalituan din kasi minsan gaya sa pagpunta sa mga abogado ay medyo magkakaiba ang pananaw sa legal problem na isinasangguni.
Pupunta sa manggagamot na tila nakakalito ang paliwanag kaya hanap ng iba pang doktor para sa tinatawag na second opinion.
Sa inyo po mga giliw na mambabasa, nangyari o naranasan na ba ninyo na hindi nakuntento sa isang abogado o isang manggagamot kaya hanap ng iba pa para makita o malinawagan ang mga katanungang hinahanapan ng kasagutang tama?
Masakit sabihin ang sinasabi ng ilan batay sa kanilang mga obserbasyon o pananaw na pera ang minsan ang dahilan.
Sa pagpunta sa abogado at pagkatapos ng pakikipag-usap sa inilapit na legal problem ay mayroong kabayaran.
Kagaya sa mga manggagamot, after check up ay may babayarang consultation fee.
Pera hindi po ba? Harinawa ay matapat tayo sa abogado na totoo at manggagamot na may kalakip na tamang sagot.
Sana ay magiliw ang bawat abogado o manggagamot sa pagharap at pakikipag-usap sa kliyente o pasyente.
Iyon lang po!