Adriane kampeon sa 7th Nova Onas Rapid Chess Tournament

Ang batikang chess player at National Master (NM) Keith Adriane Ilar ay itinanghal na kampeon sa 7th Nova Onas Rapid Chess Tournament Open Category, sa Robinsons Place Valencia City, Bukidnon.

Si Ilar, na ipinagmamalaki ng El Salvador, Misamis Oriental, ay nag-uwi ng premyong P4,000 at tropeo matapos niyang pangunahan ang torneo na nilahukan ng mahigit 70 chess players.

Nagpakitang-gilas si Ilar sa torneo at nagtala ng perpektong 7.0 puntos sa pitong round ng Swiss system competition. Tinalo niya ang mga kalaban na sina Harry King Operio, Kassandra Day Tadeo, Jayson Jhon Paquera, Cassey Miguel Tabamo, Ronnel Rempohito, Nazario Ubanan, at Jerieñ Manlimbana.

Ang 14 na taong gulang na si Ilar, isang Grade 9 student mula sa St. Joseph Academy ng El Salvador, ay nanalo rin sa High School division ng 1st Mayor Rolando “Klarex” Uy at Kap. Ranier Joaquin “Kapkik” Uy Christmas Chess Tournament noong Disyembre 14-15, 2024, sa Bulua City Mall, Cagayan de Oro City.