SUGATAN ang siyam katao, kabilang ang apat na taong gulang na bata, sa aksidente na naganap sa magkakahiwalay na lugar sa Cavite Miyerkules ng hapon.
Kinilala ang mga biktima na si Jennifer Nunez at apat na anyos niyang anak; Darvin Pegenia; Mark Edward Bete y Dolor , 27, at kapatid na si Mark Christian Bete y Dolor, 19; Mark Cedric Ocampo y Ariban, 29; Melan Mercader Espela, cyclist; Nanette Natad; at isang hindi pinangalanan na pasahero nito.
Sa ulat, dakong ala-1:00 ng hapon naganap ang insidente sa kahabaan ng Indang-Mendez Road, sakop ng Sitio Italaro, Brgy Kayquit, Indang, kung saan nakaparada ang kulay puting Mitsubishi L300 van na may plakang DAD 8606 at nagdidiskarga ng kanilang mga paninda ang driver nito na si Arcadio Salanguit habang papatawid naman si Jenifer Nunez kasama ang kanyang 4-anyos na anak.
Mimanaheo naman ni Darvin Pegenia ang itim na Honda Civic na may plakang UDE 657 patungo sa direksyon ng Mendez Town proper at nasagi nito ang tumatawid na biktima at anak nito.
Isinugod sa Ospital ng Tagaytay ang mag-ina habang ang driver ng Honda Civic na si Pegenia ay dinala sa Gentri Doctors Hospital.
Nakatigil naman ang Mitsubishi Adventure na may plakang NBX 7950 na minamaneho ni Francis Cardiente Cabigayan sa gilid ng kalsada sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Brgy Salitran 1, Dasmarinas City, at nakaharap sa direksiyon ng Imus City.
Binuksan nito ang pintuan sa driver seat dahilan upang bumangga ang nagbibisikletang si Espela patungo sa direksyon ng Imus dakong alas-4:30 ng hapon.
Dahilan dito ay nawalan ng balanse kaya tumilapon ang siklista sa kaliwang bahagi ng kalsada at nasagi naman ng paparating ng minamanehong Ford Lana pick up ni Alfante.
Isinugod sa De La Salle University Hospital ang siklista dahil sa tinamong sugat sa katawan.
Minamaneho naman ni Natad ang Honda Jazz na may plakang NEC 3277 at may dalawang pasahero ang kahabaan ng Emilio Aguinaldo Highway patungo sa direksyon ng Imus subalit pagsapit sa South Plains Subd., Brgy salitran 2 Dasmariñas City, ay nasilaw umano sa ilaw ng paparating na sasakyan kaya nawalan ng kontrol sa manibela at rumampa ang minamanehong sasakyan sa center lisland na pagmamay-ari ng Local Government Unit (LGU).
Dahil sa aksidente, nasugatan ang driver ng Honda Jazz at isa sa pasahero nito kaya isinugod sa Pagamutan ng Dasmarinas.
Naganap ang insidente dakong alas3:20 Huwebes ng madaling araw. GENE ADSUARA