ISANG hinihinalang akyat bahay ang naaresto sa follow up operation ng pulisya makaraang nanloob ng bahay sa subdibisyon sa Alfonso, Cavite.
Natunton sa loob ng kanyang bahay sa Brgy San Roque, Naic ang suspek na si alyas Gabo at naharap sa kasong Robbery at paglabag sa RA 10691 (Illegal Possession of Firearms and Ammunition.
Sa ulat, bandag alas-8:00 ng umaga ay napansin ng biktima na si alyas Rence na sira ang bintana ng kanilang comfort room ng kanilang bahay sa loob ng subdivision sa Royale Tagaytay Phase 1 sa Brgy Upli, Alfonso.
Agad niyang ininspeksyon ang mga gamit kung saan nadiskubre na nawawala ang kanyang isang Glock 23 cal 40 pistol na may magazine at mga bala, isang gintong singsing galing Saudi at isang Airsoft pistol na nagkakahalaga ng P7,000.00.
Nagsagawa ang pulisya ng backtracking sa Closed Circuit Television (CCTV) sa posibleng dinaanan ng suspek.
Base sa tracking device ay natuton ang suspek sa loob ng kanilang bahay sa Brgy San Roque, Naic.
Narekober sa susek ang isang Glock 23 caliber 40 pistol na may 12 ammunition, isang 38 caliber Smith and Wesson na may tatlong bala, isang itim na bonnet at ang gray na tshirt na kanyang ginamit sa krimen. GENE ADSUARA