FATHER AND SON CHESS WINNER
Ang mag-ama na sina AFM Winston Loyola na top men 2nd Leg CEFAG FIDE Blitz at Elijah Gabriel Loyola na nag kampeon sa nakaraang Qualifying Keg under 12 kiddies division.
Hindi maawat sina Taj Ehren Alvarez 16 anyos at Charly Yamson 11 anyos ng makamit ang kampeonato sa katatapos na 2nd CEFAG FIDE Blitz Chess Challenge nitong July 20, 2024 na ginanap sa Robinsons Place Gen. Trias, Cavite. Silang dalawa ay may kartada 7 puntos laban sa 7 Rounds na laro.
Ang iba pang mga nag sipanalo sa Group A ay sina 2nd place Albert Matthew Cajayon at 3rd Place Aeda Gavin Chua. Sa top category ay sina Jullio Jr Janaban nanalo ng Top 8, Vance Asher Salinas Top 9, Eros Reign Atienza Top 10 at Sophia Anne Cajayon para sa Top 11.
Samantala sa Group B ay pasok sina 2nd Place Relghie Columna at AIM John Miller para sa 3rd Place. Sa Top Category naman ay sina Top Men AFM Winston Loyola, Top Senior Engr. Miguel Alfaro, Top Women Geraldine Camarines, U16 Girl Giecel Pacubat, U16 Boy Darvin Jace Manalo, Top U14 Boy Keion Matthew Escalona at Top U14 Girl Maureinn Lepaopao.
Namuno naman sina Richfield Rivera sa Group B at Elijah Gabriel Loyola sa Group A sa 11th CEFAG Qualifying Leg Chess Challenge July 21, 2024 na ginanap sa SM Center Imus, Cavite.
Ang iba pang mga pinalad sa Group A ay sina 2nd Place Jullio Jr Janaban at 3rd Place Albert Matthew Cajayon. Sa Top Category naman ay sina; Top 11 Sophia Anne Cajayon, Top 10 Kaimon Lee, Top 9 Julio Angelo Janaban, Top 8 Geremmee Sam Medrano at sa youngest U7 ay nakamit ni Prince Anton San Diego.
Ang mga kasama na nanalo naman sa Group B ay sina; 2nd Place D’Amazing Coach Deorico DePaz at 3rd Place Roberto Biron. Sa Top Category ay sina: Top Senior Fernando Orcullo, Top Men Joseph Bodino, Top U14 Kurt Nicholas Callao, Top U16 Boy Taj Ehren Alvarez, Top U16 Girl Giecel Pacubat.
Dahil sa tagumpay at kaaya-ayang kaganapan sa naturang pinag dausan ng torneo ay labis na pinasasalamatan ng CEFAG ang Robinsons Mall Gen. Trias, Cavite at SM Center Imus.
Dahil dito ang mga tournament na maari pang lahukan ay ang 1st FILCUP Standard/Random Chess 960 Tournament ngayong August 3, 2024 sabado na gaganapin sa Robinsons Townville Buhay Na Tubig Branch, Imus, Cavite,
1st CEFAG FIDE Standard 1799 Chess Challenge August 10-11, 2024 na gaganapin sa Lobby ng Robinsons Place Imus, habang sa August 17, 2024 sabado ang 12th CEFAG Qualifying Leg na magaganap sa Robinsons Place Gen. Trias, Cavite.
Maaring makipag ugnayan lamang kay NA National Arbiter Boyet Tardecilla para sa kumpletong detalye. Magchat sa Fb messenger Boyet Tardecilla o kaya mag text sa cellphone number 09956297863.