Anim taong termino ng barangay officials?

KATATAPOS lamang ng botohan sa Barangay at Sangguniang Kabataan na ayon sa Commission on Elections ay maayos namang naidaos.

Mayroon namang pahayag ang isang kasapi ng Senado subalit hindi tungkol sa naganap na eleksiyon.

Bagkus ay ang mungkahing pagbuhay muli sa isang panukala para sa pagpapalawig sa termino ng barangay officials.

Sa halip na tatlong taon lamang na termino ay iminumungkahi ang anim na taon na pagsesrbisyo.

Dapat din umano ang pagbusisi sa Sangguniang Kabataan (SK) Reform Act of 2015.

Mahalaga ang kongkretong pagtalakay at pag-aaral sa kung gaano ba dapat kahaba o katagal ang panunungkulan ng bawat halal na opisyal ng barangay.