NANANATILING hindi dumadalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga imbitasyon sa kanya ng quad committee ng Kamara de Representantes.
May kinalaman ito sa pagdinig ng komite sa isyu ng extra-judicial killings at naidadawit ang dating pangulo.
Dahil sa patuloy na pagtanggi ng dating pangulo ay tinitingnan ang posibilidad na dalhin o isagawa ang pagdinig sa mismong lugar ni Duterte sa Davao City.
Sa paglilinaw ay walang pamimilit para sa pagdalo sa hearing ng dating pangulo.
Nangangahulugan lamang na kahit magpaulit-ulit sa pag-iimbita ay sadyang hindi pupunta.
Marami ang pumupuna sa kung ano ba talaga ang tunay na trabaho o prayoridad na bilang mambabatas ay ang paggawa ng batas o ang pagsasagawa ng pag-iimbestiga?