Ano ba ‘yan!  

DALAWANG pulis ang tila hindi na nakatiis at sa loob ng sasakyan isinagawa ang pagtatalik.

Pulis na naturingan na dapat ay sila ang manghuhuli sa mga gumagawa ng kabalastugan.

Pero hayun at sila pa ang gumawa ng mali o kasalanan.

Ang masaklap, ang dalawang pulis ay hindi mag-asawa.

Isa pang masaklap ay mga pulis din ang kani-kanilang asawa.

Kung bakit o paanong humantong sa panloloko at pangangaliwa ay tanging sila lamang na nasasangkot ang nakakaalam.

Pero porjos-porsanto na bakit sa public place pa ginawa sa isang parking lot habang nasa loob ng sasakyan.

Ano ba ‘yan!

Tila nananaig na talaga ang dikta ng demonyo dahil sa pangingibabaw ng kasamaan.

Kagaya ng nangyaring gulo na humantong sa suntukan sa pagitan ng isang alkalde at vice mayor.

Ano ba ‘yan? Eh sinasabing dahil lamang sa ayuda ang pinag-ugatan ng suntukan.

Mahabagin naman!

Nakalimutan na yata nila na sila ay isang mayor at isang bise alkalde. 

Naluklok sa mga puwesto dahil sa pagboto sa inyo ng mga nasasakupan ninyo.

Ang tanong ay karapat-dapat pa ba kayo para sa paglilingkod sa publiko?

Sakaling muli kayong tatakbo sa darating na halalan at mananalo pa ay mayroong problema ang mga botante ninyo.

Dapat ay alam ng bawat botante ang karakter o katangian ng isang kandidato.

Ano ba ‘yan, ‘wag na magpaloko.