Araw-araw ang pagiging deboto  

HINDI maikakaila na napakarami pa rin nating kapatid na katoliko ang likas ang pagiging deboto.

Kita naman ang patunay sa katatapos na pista ng Itim na Nazareno na milyong deboto ang nag-alay ng kanilang oras.

Mayroong kanya-kanyang dahilan ang ipinamamalas nilang panata sa Poong Nazareno lalo na sa pagsapit ng kapistahan.

Hindi ba at namamanata sila tuwing araw ng Biyernes batay sa kung ano man ang kanilang panalangin at kahilingan.

Ito ay bunga ng matibay na paniniwala sa katugunan ng Itim na Nazareno batay sa dasal at hiling nila.

Katanungan lamang na tunay nga bang nasa kaibuturan ng puso ang pagiging isang deboto.

Deboto na hindi ba ang pakahulugan ay dapat totoong iniaalay ang puso at isipan o ang buong sarili sa dambana ng Poong Nazareno.

Kung araw-araw sana ay ibinibigay ang buong sarili sa Itim na Nazareno ay mawawaksi ang ano mang poot o galit sa dibdib.

Tama na tayo ay tao lamang subalit kung pakukubabaw sa Poong Nazareno ay madaling makokontrol ang sarili.

Sana araw-araw ang pagiging deboto.