ASO na biglang sumulpot papatawid ng lansangang dinaraanan ng iba’t ibang uri ng sasakyan.
Sa hindi inaasahang pangyayari ay nasagasaan ang aso ng paparating na traysikel.
Bumaligtad ang traysikel dahilan ng pagkakasugat ng ilang indibidwal.
Pusa nakatali o itinali sa umaandar din na traysikel na sa una ay ‘patay-malisya’ pa ang tsuper.
Walang habag sa pusa na nakakaladkad habang tumatakbo ang traysikel.
Aso’t pusa na kabilang sa mga hayop na paboritong inaalagaan sa tahanan.
Sabi nga ng iba ay mas mainam pa raw na maging malapit ang kalooban sa mga ganitong hayop kumpara sa kapwa tao.
Mayroon silang kanya-kanyang paliwanag o dahilan kung bakit mas nais pa nilang kupkupin o pakisamahan ang aso o pusa.
Aso’t pusa, ganito naman kinukumpara o tinatawag ang dalawang tao na magkaaway o hindi magkasundo.
Iyon bang tipo na away-bati na minsan ay okey naman subalit bigla ay magbabangayan.
Ang aso at pusa kapag madalas pinagsama katagalan ay nagiging close na rin sa isa’t isa.
Hindi man sa kulungan bagkus kahit sa bakuran lamang na pinagsasama ang aso at pusa ay unti-unting natitigil na ang kanilang pag-aaway.
Ganyan sila na hindi kagaya sa tao na magkasama nga at halos iisa ang ginagalawan subalit mas madalas ang pagiging animo’y aso’t pusa.
Sa madaling salita para hindi mahalata ang tila istilong aso’t pusa ay kanya-kanyang plastikan na lamang.
Bakit kaya hindi gayahin na lamang ang aso at pusa na natitigil ang pag-aangilan o pagbubulyawan kapag pinagsama na.
Hindi nga naman pwedeng ipagkumpara dahil sila ay mga hayop na napakalayo ng diprensiya o pagkakaiba sa tao.
Kung hindi man sa puntong paghahambing ay bakit sa mga tao ay hindi magawa ang pagiging aso’t pusa.
Sabi nga na tayo ay tao na kung tutuusin ay mayroong sapat na pag-iisip subalit tila natatalo pa ng mga hayop sa pagkakawala sa aso’t pusa na kataga.