Babaing pasyente, niratrat sa ER  

PATAY ang babaing pasyente sa loob ng emerency room ng pampublikong pagamutan habang sugatan ang tatlo iba pa kabilang ang ina ng una dahil sa nangyaring pamamaril sa Dasmarinas City, Cavite. 

Agad na binawian ng buhay ang biktima na si Chatty Timbang y Doringo dahil sa tama ng bala sa katawan habang sugatan naman ang ina nito na si Conchita Timbang at mga dalaw sa ospital na sina Abdul Batua at Nedia Vasque.

Inaalam naman ang pagkakilanlan sa tatlong suspek na sakay ng isang traysikel at tumakas sa direksyon ng Congressional Ave., Dasmarinas City.

Sa ulat, bandang alas-3:10 ng madaling araw naganap ang insidente sa loob ng ER ng Pagamutan ng Dasmarinas City Cavite sa Dasca Compound, Brgy Burol 2.

Naka-confined ang biktima at natutulog sa kama sa loob ng ER ng ospital.

Dumating ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima na nagresulta sa agarang kamatayan.

Natutulog din ang ina ng biktima  sa tabi ng kama ng anak na tinamaan ng bala sa kanang hita. 

Palabas na ang suspek sa ospital at nakasalubong ang isa pang biktima at binaril na tinamaan sa kanang kamay habang sa kanang paa tinamaan ang isa pang biktima.

Paglabas ng ospital ay sumakay ang suspek sa isang nag-aabang na tricycle na may dalawang kataong sakay kabilang ang driver at tumakas sa direksiyon ng Congressional Avenue.

Nagsagawa ng backtracking  ang mga awtoridad sa Closed Circuit Television (CCTV) sa pagkakakilanlan sa mga suspek at inaalam din kung ano ang motibo sa pamamaril. GENE ADSUARA