ISA sa sinasabing magandang kinahinatnan ng naranasan o nagdaang pandemiya sa bansa ay ang lalo pang pag-usbong sa pansariling pagnenegosyo.
After pandemic ay hindi maikakatwa na tumaas ang bilang na pumasok sa online selling.
Pero nitong mga nakaraan ay tila nagkaroon ng sariling polisiya ang ilan online sellers na ‘no video, no refund’ na kanilang ipinatutupad.
Ibig sabihin, ang omorder at bumili ay kailangang may video sa sandaling natanggap na ang order online na items.
Kung mayroong diprensiya ay pwedeng maibalik ang item o kaya naman ay isasauli na lamang ang bayad batay sa nakuhanang video.
Sa puntong ito ay naalarma ang Department of Trade and Industry kasabay ng inilabas na babala laban sa nasabing polisiya.
Paliwanag ng DTI na ito ay isang malinaw na paglabag sa ‘No Return, No refund o exchange’ sa ilalim ng Consumer Act of the Philippines.