BAGONG TAON ay magbagong buhay…..bahagi ito sa isang kanta subalit dapat ay isinasakatuparan at hindi inaawit lamang.
Ano nga ba ang babaguhin sa buhay?
Sa tuwing nagpapalit na ng panibagong taon ay kalimitang nasasambit ang katagang magbabago na ako.
Iba-iba ang iniisip at pinaplanong babaguhin pagsapit ng Bagong Taon.
Pero dapat ang numero uno na binabago ay ang pag-uugali at sana ay ginagawa at pinaninindigan.
Masasamang dati na ugali ay tama lamang na iwaksi na at sikapin ang tunay na pagbabago.
Lahat naman ay nakakagawa ng kasalanan at nagkakamali dahil walang perpekto.
Ang isa sa kailangang babaguhin sa pag-uugali ay ang pagkilala at pagtanggap ng pagkakamali.
Nakagawa na ng mali o kasalanan pero lintek pa rin sa taas ng ‘ihi’ at walang balak humingi ng pasensiya o paumanhin.
Sabi nga sa kanta ay para lumigaya ang buhay dagdag pa ang pagsisikap upang makamtan ang kasaganahan.
Korek naman kaya kung nakasanayan ang pahiga-higa at patambay-tambay lang ay kailangang itaguyod ang buhay hindi lamang para sa iyo kundi maging sa kaanak lalo at pamilyado pa.
Ikaw ba ay mayroon ng ‘New Year’s Resolution?
Pilitin at sikaping ito o ang mga ito ay gagawin o magagawa para sa bagong buhay.