Bakit Marami Ang Siga? Marami Ang Matatapang?

SIMULA nuong buwan ng Oktubre 2021 kung saan naging medyo maluwag ang General Community Quarantine (GCQ) na ipinatupad sa Kalakhang Maynila kapansin pansin ang pagiging arogante, bastos, matapang at siga ng halos lahat ng mga lalaki sa labas ng mga tahanan katulad na lamang halimbawa sa larangan ng transportasyon iyung mga tsuper at konduktor ng mga pampasaherong bus gayundin ang mga tsuper ng mga pampasaherong jeep, modern jeep, UV Express at maging mga namamasada ng trasysikel. Sa larangan naman ng mga nasa mga pampublikong lugar tulad ng mga security guards ng Kaizen Security Agency at mga empleyado ng Department of Transportation (DOTr) na nakatalaga sa Metro Rail Transit (MRT) sa MRT Station particular na sa North EDSA Station. Nagpadala ako ng reklamo sa email na

feedback@dotcmrt3.gov.ph na nakapaskil sa lahat ng MRT Stations ngunit ilang segundo lamang ay nakatanggap na ako ng notification sa email na nagsasabi na (Your message wasn’t delivered to feedback@dotcmrt3.gov.ph because the domain dotcmrt3.gov.ph couldn’t be found. Check for typos or unnecessary spaces and try again). Napa-isip tuloy ako papaano ma-aaksyunan ang suliranin kung hindi naman pala matatanggap ng kinauukulan ang naturang reklamo?

 

Napaka-swerte ng mga nabanggit dahil wala po ako sa posisyon o pwesto sa alinman sa mga sangay ng gobyerno upang madisiplina ang mga binabanggit ko na mga arogante, bastos, matatapang at siga na kung sigawan ang mga ordinaryong mamamayan at public commuters ay ganun ganon na lamang.

 

Eto po ang pinaka-huli kong karanasan, alas nwebe kinse ng gabi nuong ika-21 ng buwan ng Mayo taomg kasalukuyan pagbaba ko ng tren sa MRT North EDSA Station, Quezon City malakas ang pag-aanunsyo ng isang lalaki na nakasuot ng isang black jacket na mayroong DOTr markings sa likod. Habang ako ay papalapit na sa exit point, nakita ko at narinig ang naturang lalaki na pasigaw kung magsalita sa megaphone at nagsasabi sa mga pasahero na sarado na at hindi na magsasakay ng mga pasahero ang MRT buhat sa North EDSA. Pagkalabas ko sa exit point ay binalikan ko ung lalaki na nakasuot ng isang black jacket na mayroong DOTr markings sa likod para pagsabihan siya na huwag na sumigaw dahil gumagamit naman siya ng megaphone at napakasakit sa tenga. Sinabihan ko siya na “brod, wag ka sumigaw sa megaphone. normal voice lang…” subalit sumagot siya nang mayroong katapangan na “okey lang yan para marinig” at nagpatuloy siya sa kanyang pagsasaalita ng pasigaw sa mga tao habang gamit ang megaphone. Hindi ko nan ga pinansin yung mga naka-unipormeng security guards ng Kaizen Kaizen Security Agency na nakapalibot sa kanya na nagtatawanan pa.

 

Sa pamunuan ng DOTr at sa namamahala sa Kaizen Kaizen Security Agency baka naman po pwede na sabihan natin ang mga empleyado, maging ito man ay security guard o personnel na wag naman masyadong mayabang at mapagmalaki at matutong makinig sa sinasabi ng publiko.