SA PAGSISIMULA ngayon ng Schoolyear 2023 – 2024 muli na naman sasabak ang mga mag aaral mula sa elementary, junior at senior high school, sa kolehiyo at maging sa mga graduate schools.
Ito ay sa kabila ng nararanasan na pag ulan at pagbaha sa ilang bahagi ng bansa kung kaya mayroong ilang sektor ang nagpapanukala na ibalik na lamang sa buwan ng Hunyo ang simula ng academic school year.
Kamakailan, naibalita na bubuo ang DepEd ng isang grupo para pag-aralan ang panukalang ibalik ang dating akademikong kalendaryo na ang pahinga sa paaralan ay tumatakbo mula Abril hanggang Mayo.
Kaugnay nito, sinabi ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na ang Department of Education (DepEd) ang siyang makakapagdesisyon hinggil sa
panukala ng ilan na ibalik sa dati ang academic calendar mula sa buwan ng Agosto ay ibalik ito sa buwan ng Hunyo. Ayon kay Senador Christopher Lawrence “Bong” Go naniniwala siya na may kakayahan ang pamahalaan na makakagawa ng solusyon na mapag-ingatan ang pisikal na kagalingan ng lahat ng mag-aaral, guro at iba pang manggagawa sa paaralan tuwing pasukan.
Samantala, sa isang isinagawang survey nasa animnaput pitong porsyento ng humigit-kumulang na 11,000 guro sa mga pampublikong paaralan ang nagsabi na ang mga mag-aaral ay madaling magambala dahil sa hindi komportable at hindi matitiis na init sa loob ng silid-aralan. Hindi anila ito nakakatulong sa pag-aaral ng mga estudyante.
Alam naman natin na hindi lahat ng silid paaralan ay mayroong air-conditioning unit. Ang ibang silid aralan ay walang electric fan kung kaya mainit na lalong-lalo na sa mga lugar na walang puno, flat na areas ay lubhang napakainit. At naniniwala ako na ayaw naman ng pamahalaan na mag-suffer ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral, hindi sila makapag-concentrate dahil lamang sa mainit na panahon.
o0o
Pagbati sa mga namumuno, namamahala at mag-aaral sa Maryhill School of Theology (MST) sa pangunguna nila Rev Fr Richard Diaz ang Dean at kay Mam Daisy Arao-arao ang Registrar po ng MST. At pagbati din sa kagagalang galang na Honorable Graciano F Victoriano, ang Punong Barangay ng Barangay Bignay sa Lungsod ng Valenzuela at sa kanilang Barangay Secretary na si Ginoong Fred De Jesus.