HINIHINALANG baboy-ramo ang dahilan ng ikinamatay ng biktimang natagpuan sa damuhan sa lalawigan ng Quezon.
Ang naturang bangkay ay nakilala bilang si Ricardo Mendoza, 64, at naninirahan sa Barangay Mangahan, Dolores.
Palatandaan umano na posibleng inatake ng baboy-ramo ang biktima dahil sa nakitang kagat sa kanang hita nito.
Gayunman ay nagsasagawa pa rin ng pag-iimbistiga ang pulisya upang malaman kung tunay na baboy-ramo ang dahilan ng pagkamatay ng biktima. MARCK BADION