Banyagang estudyante, inaresto  

INARESTO ang Papa New Guinea national na estudyante sa isang International School dahil sa pagmumura at pananampal sa hepe ng barangay police sa tangkang pag-aresto sa Kawit, Cavite. 

Kasong paglabag sa RA 10586 o Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013, Slander by Deed and Resistance and Disobedience to a person agent of authority involving Foreign National ang kinaharap ng suspek na si alyas Andup, 26, MBA student sa Southville International School at residente ng BF Luxembourg, Las Pinas City dahil sa reklamo ni Roel Baloro Baloy, 54, hepe ng barangay police at residente ng Brgy Marulas, Kawit.

Ang pag-aresto sa suspek ay bunsod sa reklamo ng isang concerned citizen hinggil sa mabilis na pagpapatakbo ng driver ng itim na Toyota Fortuner na may plakang NBQ 7344 sa Brgy Marulas, Kawit bandnag alas-9:30 ng gabi. 

Mabilis namang nagresponde ang biktima at kasamahan nitong mga barangay police kung saan naabutan ang suspek sa Barangay Road sa Brgy Marulas.

Tinangkang kausapin ng biktima ang dayuhan pero paglabas pa lamang ng sasakyan ay agad nang nagsalita ng “bitch, bitch, bitch.”

Inawat ng biktima ang suspek subalit mabilis ang kamay nito at sinampal sa mukha ang una saka sumakay sa kotse at pinaharurot subalit naabutan siya sa Malamok bridge. 

Nalamaan din na ang suspek ay nakainum makaraan isinailalim sa alcohol breath test. GENE ADSUARA