KAPANSIN-PANSIN ang mga nakakalat na mga pulis sa ating mga lansangan.
Ayon nga sa Philippine National Police, ito ay nagkaroon ng maganda at makabuluhang pagbubunga.
Epektibo ito na dahil nakakalat ang kapulisan sa mga kalsada ay bumibilis ang pagresponde sa ano mang uri ng krimen.
Sa pagsisimula ng pagpapakalat sa mga tauhan ng PNP sa mga lansangan ay mababatid ang bilang ng mga kaso na natugunan ng pulisya.
Kaya naman ang panawagan ng PNP ay hindi dapat magdalawang-isip ang sino man sa mga pulis na nakakalat sa lansangan na kausapin at hingan ng tulong kung mayroong nalalamang krimen.
Mangyayari ito kung maayos ang pakikiharap at pakikipag-usap ng bawat pulis sa lansangan na dudulog sa kanila.
Makikita rin ang ikatatagumpay nito basta hindi ningas-kugon lamang ang ating kapulisan.