‘BAWAL BASTOS LAW’ IKINALAT SA PUBLIKO   

NAGSAGAWA ng Ceremonial Placement ang pamunuan ng Cavite Police Provincial Office (PPO) sa mga tricycle at pampublikong sasakyan upang ipalaganap ang panuntunan ng “Bawal Bastos Law” o Safe Spaces Act (RA11313.)

Mismong si Cavite Police Director PCOL Dwigt Alegre ang nanguna sa pagkakabit ng mga sticker sa loob ng mga tricycle at mga PUV kung saan nakapaloob na ipagbigay alam sa hotline number ng lokal na pulisya ang anumang nakikita o nararanasang pambabastos. 

Layon ng batas na ito na protektahan ang lahat ng tao mula sa Gender-Based Sexual Harassment (GBSH) na karaniwang nagaganap sa mga pampublikong lugar/sasakyan, online platforms, workplace, paaralan at pribadong lugar.

“Ang paggalang ay hindi isang opsyon lamang, kundi isang obligasyon”, at mahalagang maitaguyod ang respeto at dignidad sa  bawat isa, lalo na umano sa mga pampublikong lugar, ang panggigipit, verbal abuse at mga hindi naaangkop na pag uugali ay hindi kailanman dapat maging bahagi ng pang araw araw na buhay ayon” ayon kay Alegre. (Gene Adsuara)