PAGKATAPOS ng Buwan ng Agosto, nagsisimula na ang tinatawag na “BER” Months mula buwan ng Setyembre hanggang Disyembre.
Marami ang natutuwa kapag ganitong panahon dahil sa kabila ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, gasolina at kung anu ano pa ay umiikot ang pera ika nga.
Ito ung panahon lalo na pagsapit ng Disyembre na nagiging “galante” ang lahat, yung kahit papaano ay nakakapagdulot ng ligaya sa lahat.
At dahil umiikot ang pera, dito na din nag uusbungan ang mga pinaglilibangan ng mga ordinaryong mamamayan.
Samantala, pormal na inilunsad at isinakatuparan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pangunguna ni Police Brigadier General JOSE MELENCIO CORPUZ NARTATEZ JR, ang Regional Director ng mga pulis dito sa Metro Manila ang sabay sabay o Simultaneous Conduct of COMELEC Checkpoints sa mga pangunahing lugar sa loob ng Kalakhang Maynila kaugnay sa nakatakdang Barangay and Sangguniang Kabataan Barangay Elections (BSKE) 2023.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel EUNICE S SALAS ang Chief, RPIO, NCRPO ang naturang Checkpoints ay kasabay sa ipinatutupad na nationwide Gun Ban alinsunod sa Commission on Election (COMELEC) Resolution no. 10902, na sinimulan na nuong ika-28 ng Agosto 2023 at magtatapos naman sa ika-29 ng Nobyembre 2023.
Ayon pa kay Police Lieutenant Colonel EUNICE S SALAS lahat ng operational plans at aktibidades ng NCRPO ay alinsunod sa Comelec Resolution No. 10902 gayundin ang pagpapatupad ng lahat ng pagbabawal sa 90-araw na panahon ng halalan gaya ng nakasaad sa ilalim ng Omnibus Election Code at Resolutions na inaprubahan ng Commission on Elections (COMELEC).
Ang pinahihintulutan po lamang na magdala, magbitbit o magsukbit ng baril sa panahon na ito ng COMELEC Gun Ban ay regular officers and members of the Philippine National Police (PNP), both the active and reservists of the Armed Forces of the Philippines at iba pang operatiba ng other law enforcement agencies ng pamahalaan na duly deputized ng COMELEC. Ibig sabihin yun lamang mga nasa uniformed services na katuwang ng COMELEC for election duty are authorized to carry and possess firearms during the election period.
Tiniyak ni PBGEN NARTATEZ Jr na ipagpapatuloy ng NCRPO ang patuloy na pagtatalaga nito ng mga pulis sa mga pangunahing lansangan at strategic locations upang maseguro ang pagpapatupad ng Batas at pagpapanatili ng Kapayapaan at Kaayusan sa buong Kalakhang Maynila kahit tapos na ang BSKE 2023.