ALAM ba ninyo kung gaano kahirap ang maging isang pulis? Bukod sa tila dumadaan ka sa butas ng karayom bago ka makapag-take oath o makapanumpa bilang isang pulis ay kailangang dumaan sa proper training ika nga sa pangangasiwa ng National Police Training Institute (NPTI) ng Philippine Public Safety College (PPSC). Kung mayroong pagkakataon kakantahan ko kayo ng PPSC Hymn.
Bilang mga Protectors and Law Enforcers mayroon mga kaakibat na pagsubok at responsibilidad sa balikat ng isang Police Commissioned Officer (PCO), kaya nga ang rank insignia ay nakalagay sa balikat at hind isa noo.
Regardless kung ang isang PCO ay nagmula sa Academy, naging kadete sa Philippine National Police Academy (PNPA) bilang bahagi ng Cadet Corps PNP o nagmula sa pagiging isang enlisted personnel, dumaan sa pagiging patrolman o patrolwoman o kaya naman ay sa pamamagitan ng Lateral Entry hindi biro ang mga pinagdaanan ng mga Police Officers na ito.
Sabi ko nga mayroong naka-akibat na responsibilidad sa kanilang mga balikat, maraming challenges sa buhay ng isang PCO maliban sa mga Police Non Commissioned Officers (PNCOs), nandyan ang madling pipol, ang taong bayan na sinumpaan nating paglingkuran.
Karamihan sa mga Police Lieutenants hanggang Police Captains ay nakatalaga ngayon sa mga opisina at ung iba ay humahawak na ng pwesto bilang mga Sub Station Commanders sa ibat ibang lugar dito sa Kalakhang Maynila at sa mga lalawigan. Hindi biro ang kanilang mga ginagawa bilang Public Servants.
Sila ang napuputukan kapag mayroong mga hindi kaaya ayang nangyayari sa loob ng kani-kanilang nasasakupan dahil sila ung masasabi nating “on the ground”. Mataas ang expectations sa kanila ng kani-kanilang mga superiors at lalo’t higit ng taong bayan. Kapag nagkamali o nagkaroon ng bulilyaso ang isa o ilan sa mga PNCOs na kanilang nasasakupan sila ang siguradong napuputukan sa ilalim ng doktrina ng “Command Responsibility”.
Tulad na lamang halimbawa ng aking kaibigan na si PLT HAZEL MARIE SILIM BENITO, PNP na nakatalaga ngayon sa Sub Station 5 ng San Juan City Police Station, Eastern :Police District (EPD) at ni PCAPT ROLANDO DOMINGO, PNP na hepe ng Llano Police Sub Station 7, Caloocan City Police Station, Northern Police District (NPD) hindi biro ang kanilang trabaho na bukod sa pagiging Public Servants ay pareho pang “Kuya” at “Ate” sa The Fraternal Order of Eagles (TFOE) kaya nakakasigurado ang mga mamamayan na ang dalawang opisyal na nabanggit ay parehong tapat at masigasig sa pagyupad ng kanilang tungkulin bilang mga lagad ng batas, bilang mga Public Servants.
Parehong busy area ang nasasakupan nina PLT BENITO at PCAPT DOMINGO pero sa ngayon ang masasabi kong mayroong problema ay ang nasasakupan ni PCAPT DOMINGO, at ito ay ang ilan sa mga tricycle drivers ng Sunriser Village Llano Novaliches – Tricycle Operator Driver Association (SVLN TODA) na bukod sa pagkakaroon ng matitigas na ulo ay mayroong kayabangan, mayroong isang Board member ng SVLN TODA ang nagsasabi na hindi na daw pinapansin o papansinin ni PCAPT DOMINGO ang aking mga reklamo laban sa kanila dahil hindi naman daw ako pulis at magpapa media daw siya kapag siya ay nasita o nahuli. Mayroon isa pa dyan na dalawang beses ko na sinabihan dahil nakasuot ng green na leather jacket at mayroong patches ng PNP NCRPO at nakalagay sa balikat ang ranggong Police Sergeant.