Binatilyong estudyante, tinangay ng agos  

NAMATAY habang ginagamot sa ospital ang 16-anyos na Senior High School student na binatilyo makaraang tangayin ng malakas na agos ng tubig na naligo pagkatapos ng kanilang picture taking sa kanilang project sa Earth Science subject sa Naic, Cavite.

Isinugod pa sa San Lorenzo Hospital ang menor de edad na lalaking  estudyante ng Collegio De Montessori Senior High School subalit namatay din habang ginagamot.

Sa ulat, lumiban sa kanilang klase ang mga estudyante ng Collegio De Montessori  Senior High School at nagtungo sa baybayin ng Barangay Munting Mapino, Naic, bandang alas-12:00 ng tanghali para sa picture taking ng kanilang project sa Earth Science  subject . 

Pagkatapos ng picture taking ay nagdesisyon sila na maligo subalit tinangay ng malakas na agos ng tubig ang biktima at hindi na nakita.  

Nagsagawa naman ng  search and rescue operation  ang mga operatiba ng Philippine Coast Guard (PCG) kung saan bandang alas-3:ng hapon ay narekober ang katawan ng biktima. 

Sinubukan pang bigyan ng Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) ng mga personnel ng MDRRMO saka dinala sa ospital subalit namatay habang ginagamot ang biktima. GENE ADSUARA