BB PILIPINAS GLOBE 2024 JASMIN BUNGAY SEND OFF
DINAGSA ng panayam si Binibining Pilipinas – Globe 2024 Jasmin Bungay kaugnay ng paglahok para sa nalalapit na pageant kumpetisyon na gaganapin ngayong Oktubre 15, sa bansang Albania makaraang ganapin ang send off nito sa Quantum Skyview of Gateway Mall 2. Araneta City. (REY NILLAMA)
The Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI) joined pageant fans and supporters in bidding well wishes to Binibining Pilipinas – Globe 2024 Jasmin Bungay through a public send off event at the Quantum Skyview of Gateway Mall 2.
Nagtipon-tipon ang mga mahal sa buhay at tagasuporta ni Bungay, miyembro ng press, at iba pang Binibining Pilipinas, at pageant enthusiasts na ginanap kamakailan sa activity area ng Gateway Mall 2 ng Araneta City, Retail Asia’s New Mall of the Year awardee noong 2024, para sa isang espesyal na pagpupugay at pagdiriwang bago ang internasyonal na pageant sa Albania sa susunod na buwan.
Ang 26 taong gulang na si Bungay ay isang dating supply chain at logistics worker sa Middle East at isang dating guro na may degree sa Mathematics. Siya ay isang ipinagmamalaking OFW na bihasa sa pagbabalanse ng corporate work sa mundo ng pag momodel. Siya ay bihasa sa paglalakbay at madalas sa pagtitipon, na naniniwalang higit pang lumalalim ang kanyang pandaigdigang pananaw at pang-unawa.
Ngunit sa gitna ng kanyang abalang iskedyul, ang kanyang puso ay para sa isang layunin na malapit sa tahanan ang empowerment ng mga overseas Filipino Workers naninindigan siya bilang isang taga suporta, nagtataguyod para sa kanilang mga karapatan, at nagtataguyod ng kanilang mga kontribusyon sa pandaigdigang komunidad.
Nakatakdang lumaban si Binibining Pilipinas Globe 2024 Jasmin Bungay sa Miss Globe pageant ngayong taon, kung saan nilalayon niyang masungkit ang isa pang korona para sa Pilipinas sa Oktubre 15, 2024 sa Albania. Layunin niyang sundan ang mga tagumpay ng magkapatid na Binibining Pilipinas na sina Ann Colis (2015) at Maureen Montagne (2021) sa prestihiyosong pageant sa nakaraang taon, Binibining Pilipinas Globe 2023 Anna Lakrini finished as second runner-up.