NAKA hospital arrest ang buko vendor na nagpapanggap na miyembro ng Highway Patrol Group (HPG) at umano’y nangongotong sa mga motorista matapos nabaril sa pakikipambuno sa awtoridad sa Gen. Trias City, Cavite.
Ginamot sa ospital ang suspek na si alyas Lawrence, binata, ng Phase 1 Parklane Subd., Brgy San Francico, Gen Trias City, dahil sa tama ng bala sa kanyang katawan mula sa service firearm ni Police Chief Master Sergeant Elan Demate, 45, ng PHPT-Cavite Camp Pantaleon Garcia, Imus City.
Sa ulat, nabatid na ang suspek ay nasa surveillance ng HPG dahil sa umano’y papapanggap nito na miyembro ng HPG at pagsusuot ng uniporme para umano’y makapangotong sa mga dumaraan na motorista.
Naaktuhan siya na naka-uniporme ng HPG at naka-jacket ng NBI sa Phase Parklane Subd., Brgy San Franciasaco, Gen Trias City, bandang alas-10:30 ng gabi.
Pagkasita ay pumalag ang suspek at umano’y sinuntok sa mukha si Demante at humantong sa pambubuno sa baril nito na nauwi sa pagkakabaril sa kanyang dibdib. (Gene Adsuara)