MISTULANG nagiging paboritong tapunan ng bangkay ang Cavite-Laguna Expressway (CALAX) dahil may natagpuan na namang bangkay ng lalaki sa madamong bahagi nito Miyerkules ng madaling araw.
Inilarawan ang biktima na nakasuot ng red t-shirt, maong pants, may bigote at balbas, at nunal sa kaliwang mata.
Sa ulat, bandang alas-4:48 ng umaga habang nagpapatrulya ang mga security guard ng CALAX sa bahagi ng Camen, Silang ay napansin nila ang bangkay sa madamong bahagi.
Humingi ng assistance ang mga awtoridad sa Forensic Unit upang maeksamin ang nasabing bangkay.
Matatandaan na isang naagnas ng human torso ang natagpuan sa Brgy Kaong, Silang sakop ng CALAX nitong Marso 18. GENE ADSUARA