MINSAN ang pagiging mabait at mabuti ng isang tao ay hindi nagdudulot ng mabuti.
Halimbawa, dahil sa mabait ka, oo ka na lang ng oo sa mga pakiusap ng mga tao na nakakausap at nakakasalamuha mo kahit ito ay nangangahulugan ng pag adjust mo sa iyong schedule.
Sa aking karanasan, ilang linggo pa bago maganap ang okasyon ay sasabihan na ako at siempre dahil mabait ako, as usual “Okey, no problem” ang sagot ko. Ilalagay ko na sa aking schedule ang nasabing okasyon at ito ay aking paghahandaan. Eto ngayon ang maganda, bisperas, opo sa bisperas ng okasyon ibig sabihin kinabukasan na ung okasyon at ung gabi bago maganap yun makakatanggap ka ng message na “sorry po canceled po ung blessing bukas”… ano pa nga ba ang magagawa ko kundi maghintay na lang kung kailan nila gaganapin ulit ung okasyon.
Meron pa nga na, tatlong beses sila magkansela ng okasyon sa loob lamang ng isang buwan at bilib naman ako sa kanila dahil hindi sila nauubusan ng dahilan para magkansela ng okasyon.
Kaya kung minsan nakakadala na, at parang ayoko na makipag usap sa kanila, dahil palagi na lamang ganun. At hindi lang yun, meron pa isang okasyon na talagang hindi nila ako binayaran.
Ang mga ganyang pagkakataon ay ipinagpapasa-Diyos ko na lamang. Dahil hindi naman tayo pababayaan ng Diyos at siguradong anuman ang nawala ay mayroong mas magandang kapalit.
Harinawa ay matuto ang mga tao na aking sinasabi na maging “professionals” naman at magpakatotoo kung ano ba talaga, binawasan nyo na nga ung aking “professional fee / stipend” nagkakansela pa kayo ng mga okasyon.