KAPURI PURI ang mga pulis ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa ilalim ng pamumuno ni PMGEN EDGAR ALAN OKUBO at ng Southern Police District (SPD) sa pangunguna ni PBEN KIRBY JOHN B KRAFT dahil sa hindi nagtagal ay muling nahuli ang sampung pugante na pansamantalang tumakas mula sa Custodial Facility ng Malibay Sub-station 6, ng Pasay City Police nuong ika-03 ng Abril taong kasalukuyan. Wala pang 48 oras ay paisa-isang naaresto ng mga pulis ang mga puganteng nabanggit. At karamihan sa mga pugante ay mayroong kinakaharap na kasong paglabag sa Republic Act 9165 o iyung (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), na naglalayon sa mahigpit na paglaban sa ipinagbabawal na gamot.
Ang kawawa dito ay iyung bantay nung mga oras na naganap ang insidente ng pagtakas at iyung kanyang immediate superior dahil sa Doctrine ng Command Responsibility. Mga kaibigan ang ibig sabihin ng “Command Responsibility” ay responsibilidad ng isang opisyal o superior para sa mga krimen o pagkakasala na ginawa ng kanilang mga tauhan na napapa-ilalim sa kanilang kontrol o pangangasiwa o kung saan ang kanilang mga nasasakupan ay mayroong intension na gumawa ng krimen o pagkakasala sa Batas subalit hindi ito hinadlangan ng naturang opisyal o hindi ito gumawa ng mga kaukulang hakbang upang maiwasan ito.
Paalala mga kaibigan, hindi po “jailer” ang tawag dun sa mga pulis na nagbabantay ng mga “Persons under PNP Custody” kung hindi “PNP Custodial Officer” dahil ang “jailer’ po ay para sa mga taga Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Sa pagkaka-alam ko po at batay na din sa PNP Guidelines (PNP Memorandum Circular Number 2018-027) na inilabas nuong ika-28 June 2018 ng pamunuan ng Philippine National Police bilang Guidelines and Procedures in the Management and Supervision of All PNP Custodial Facilities and Persons under PNP Custody na pinirmahan ni Police Director General OSCAR D ALBAYALDE ang Chief PNP nuong panahon na iyun wala pong paki-alam ang sinumang alkalde o alinmang local government unit sa pamamalakad o pangangasiwa ng mga pulis sa alinman sa mga PNP Custodial Facility na naririto sa Pilipinas at ang tanging papel lamang ng LGU na pinamumunuan ng gobernador o ng alkalde o ng punong barangay ay maki-pag-ugnayan sa PNP hinggil sa kung papaano sila bilang mga halal ng mamamayan at naluklok sa pwesto ay magbibigay ng suporta sa pagpapanatili ng PNP Custodial Facility sa kani-kanilang mga nasasakupan at magbigay ng kaukulang pabuya sa kung sinoman ang makapagtuturo sa mga pugante na tumakas mula sa mga bilangguan hindi iyung kesyo magpapa PRESSCON, kesyo ganito, kesyo ganun.. gets nyo!?