Dalawang Katangian

DALAWANG katangian ang namamayani ngayon sa mga nasa pwesto o magandang posisyon partikular na ung mga itinuturing na mga “frontliners” diumano tulad na lang halimbawa ng mga security guards at empleyado ng MRT na hawak ng Department of Transportation (DOTr). Itong dalawang katangian na ito, ang KAYABANGAN at KABASTUSAN ay kapansin pansin sa mga security personnel na nagbabantay sa mga himpilan ng MRT mula sa EDSA Taft Station hanggang sa North Avenue Station partikular dito sa Araneta Center (Cubao).. mantakin nyo napakahigpit ng mga gwardiya “BAWAL WALANG FACEMASK”, “BAWAL MAKIPAG USAP o MAGSALITA” at “BAWAL SAGUTIN ANG TAWAG sa PHONE” habang nasa loob ng tren ng MRT na mula pa nuong 2021 hanggang sa kasalukuyan ay walang makapagpaliwanag sa akin kung bakit.. Bakit nga ba!? BAWAL sa mga ordinaryong tao samantalang sa kanilang mga security guards at mga empleyado HINDI BAWAL? Saan ka naman nakakita ng ganyan pamamalakad ha, DOTr at MRT Management PAKIPALIWANAG NGA!!! Katulad na lamang ngayon, alas 4:50 ng umaga, ika-02 ng Marso taong kasalukuyan ay sapilitan ako pinababa at pinalabas ng ARANETA STATION ng MRT ng mga gwardiya dahil wala pa daw tren at BAWAL MAGHINTAY ang mga ordinaryong tao sa platform nung himpilan ng MRT samantalang ung empleyado na naabutan ko dun sa itaas sa mismong platform na nagturo pa dun sa gwardiya ng MRT para paalisin ako at pababain ako ay WALANG SUOT NA FACEMASK… TUTAL ITINURO MO NA AKO SA GWARDYA PARA PAALISIN AKO, SIEMPRE BINALIKAN KITA PARA SITAHIN KUNG BAKIT WALA KA FACEMASK… dahil nga sa pinalabas ako ng MRT ARANETA CENTER (CUBAO) DOTr sinubukan ko i-refund ung aking ibinayad, HINDI DAW PWEDE sabi nung mabait na takilyera na empleyado ng DOTr… PAKIPALIWANAG NGA PO SECRETARY of the Department of Transportation, Republic of the Philippines…

Speaking of Kabastusan and Kayabangan siempre hindi mawawala ang ilang military officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nandiyan nakatalaga at nag oopisina sa loob mismo ng General Headquarters AFP, Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City… isa o dalawang active military officers na mayroong rank na Captain, personal ko na lamang sasabihin ang inyong pangalan at Branch of Service para naman mabigyan pa kayo ng pagkakataon na magbago, kilalang kilala ni Army COLONEL MEDEL AGUILAR ang opisyal na binabanggit ko dito dahil minsan na din naman sila “nagkabanggaan”, yes tama po ang basa ninyo, minsan na silang nagkabanggaan ni COL MEDEL AGUILAR, masyadong brave yang Captain na yan… junior officer pa lang ng AFP pero kung umasta daig pa si CSAFP at ang mga Cavaliers… kung ako ang tatanungin, mas mabuti siguro isabak sa labanan sa Mindanao area yan para MATUTO kung papaano ba talaga ang pakikipagbakbakan sa mga totoong KALABAN ng gobyerno… and my dear military officer please take note po, ang isang military reservist lalo na ung mayroong ADT Order ay bahagi po ng AFP, “part of AFP” ika nga, hindi ko alam kung sinong SANABAGAN ang nagtuturo sa inyo na ang mga reservists ay sibilyan at hindi kasama o bahagi ng AFP…

KUDOS to General RONNIE S EVANGELISTA sir ang butihing ama at lingkod ng Montalban (Rodriguez), Rizal sir, maganda ang inyong pamamalakad at mga programa at adhikain sa inyo pong nasasakupan gayundin po ang inyong kapatid na si Ginoong Glenn Evangelista na kasalukuyang Chairman ng Barangay San Jose diyan sa Rodriguez (Montalban), Rizal.