Desisyon ng obrero    

TAGOS hanggang buto ang nararansang matinding init ng panahon sa kasalukuyan.

Kaya naman hindi lamang ang mga estudyante bagkus maging ang mga manggagawa ay mayroon na ring opsiyon.

Mayroong pahayag ang Department of Labor and Employment kaugnay dito.

Dulot ng sobrang init ng klima ay nasa pagpapasya ng obrero ang pagpasok o pagliban sa trabaho.

Ibig sabihin ay maaaring absent ang isang kawani subalit hindi bayad ang araw na iniliban.

Paalala lamang na kailangang may tamang pag-uusap sa pagitan ng employer at manggagawang liliban upang hindi makaapekto sa galaw ng trabaho.

Desisyon ng isang obrero kung liliban o lalabanan ang matinding init ng panahon para sa kanyang akmang suweldo.